Seeing friend’s blogs can really rekindle the feeling of writing…
Kasalukuyang wala pa rin ginagawa sa mesa kundi maupo, tumayo, maupo ulit, tumingin sa katabi, tumingin sa kabilang parte ng floor, umupo ulit, maglakad ng kaunti, manggambala, umupo ulit, maglinis ng mouse (mouse ball kasi), makipag-usap sa katabi, i-broadcast ang ginagawa ng katabi, maupo ulit, magbura ng spam sa e-mail, at syempre, mag-basa ng blog ng ibang tao.
Just something that I noticed, whenever I would look into someone else’s blogs, especially from those whom I personally know, they somehow persuade me to write my own. Never mind the boredom that I am feeling right now (because of idleness at work) because I am able to recreate the scenarios that I see through the use of MS Word.
Maraming bagay ang pwedeng maisulat sa ngayon, lalung-lalo at nasa kamay ko ang oras ko. Nandito pa rin ako, nais makakuha ng magagawa na kunektado sa trabaho ko. Pang-asar naman kasing tatlo na nga lang ang pagpipilian, hindi pa kinuha lahat eh! Ang karamihan naman sa amin, naghihintay ng kung ano ang susunod na magaganap. At ang iba, dahil nga walang magawa, browse na lang sa Internet.
I guess I am a bit rusty as I cannot seem to find the right words immediately unlike from the previous posts that I wrote in here. I see myself struggling to tell a story and make it as witty or as creative as possible. My friend in college was right about one thing… even if you know how to, it does not mean you no longer need to practice, and on my current state of mind, I would have to say that he is right on the money.
Paano nga ba magsulat kung wala ka naman gana magsulat? Naalala ko nga sa isang status sa Facebook… sa dinami-rami ng mga nangyari magmula nung bagong taon, bakit para yatang wala naman ako maikwento ng maayos? Maski ang pagkakatanggap ko sa trabaho ngayon ay hindi ko na naikwento. Tatlong buwan ang nakalipas, natapos na ang training, nandito na ako sa mismong lugar na pagtatrabahuhan pero ni isang pangyayari (except the last blog) wala akong masabi. Dala na rin siguro ng katamaran kaya hindi makapagsimula. Buti na nga lang at ang mga kasama ko ngayon (Marj, Patti, and Ryan [though resigned]) at si Jackie, gustong malaman kung ano ang saloobin ko at makita sa anyo ng mga letra.
I thought that if I stop doing this, the skill that I was able to develop will soon just fade into oblivion and be shed away into the nothingness of time and space. The need to write has to come from me and me alone because nobody else will write my thoughts for me, and it is no longer writing if I do such.
Naalala ko tuloy noon, sabi ko sa isang kaibigan, kailangan nang seryosohin at maging isang ganap na manunulat. Masaya rin naman dahil sa industriyang kinabibilangan ko ngayon, maisasakatuparan ko na ang mga katagang binigkas nung panahon na yun. Hindi nga lang creative at sabi ni Trainer Lito, “the end result of Technical Writing is supposed to be informative, hence, boring.” Buti na nga lang at may blog… dito ko na lang isasalin lahat ng creativity na hindi ko magagawa sa technical writing. At least, sa ngayon, alam ko sa sarili ko na isa na nga akong ganap na manunulat. Binabayaran ako para sa mga salitang aking inilalagay sa papel (o sa computer, kung anuman trip nila… pwede na rin siguro sa MS Word). Yun nga lang sa ngayon, binabayaran nila kami para maupo, tumayo, maupo ulit, tumingin sa katabi, tumingin sa kabilang parte ng floor, umupo ulit, maglakad ng kaunti, manggambala, umupo ulit, maglinis ng mouse (mouse ball kasi), makipag-usap sa katabi, i-broadcast ang ginagawa ng katabi, maupo ulit, magbura ng spam sa e-mail, at syempre, mag-basa ng blog ng ibang tao.

nice nakapagsulat din! yan ang nagagawa ng walang magawa! joke. honestly though it was nice to see you post again. o diba. sa susunod na ma-bore ka, magblog ka na lang ulit para masaya
By: Marjorie on May 4, 2011
at 11:49 am
Oo nga eh… pantanggal din ng boredom… kesa naman panay lang broadcast ko ng ginagawa ni Apo… hehehe!
By: rolandmatanza on May 4, 2011
at 11:52 am
“The need to write has to come from me and me alone because nobody else will write my thoughts for me, and it is no longer writing if I do such.” Agree. Thank goodness for internet access and blogs and blog readers and blog plugs.
(At tuluyan na atang nawala yung enthusiasm manggambala ni Gagambala.^^)
Oh yeah, we have a mission to do right now: convince Athan to create a blog!!
By: Patti on May 4, 2011
at 11:56 am
Buti na nga lang may Internet pa… kung wala na, malamang maglaro ako ng piko dito sa office.
Mamaya pagtulungan natin si Apo.
By: rolandmatanza on May 4, 2011
at 12:16 pm
pinagtulungan amps LOL
By: Marjorie on May 5, 2011
at 8:54 am