It was the night that a lot of people have been anticipating due to all the hype and nostalgia that the event possesses, and they were able to deliver!
Hindi dahil sa isa akong fan magmula pa noong elementary years ko pero dahil panalo talaga ang pagkaka-deliver… 03/07/2009 was the date and I was there to witness one of the most historic musical events ever… Eraserheads: The Final Set!
Nakakatuwang isipin na noong mga panahon na cassette tapes pa lang ang pwedeng mabili, isa ako sa mga taong naniwala at patuloy na naniniwala sa mga kantang nilikha ng apat ng tao na produkto ng Unibersidad ng Pilipinas. I am really proud that I am genuinely part of a generation where Eraserheads was able to shine their stars so bright that they were able to literally and single-handedly change the course of the Philippine music industry that we now see today. They were able to surpass all obstacles, critics and break social barriers through the songs that they created.
Social barriers? Paano ko nasabing social barriers ang natanggal nila? Kung inyong iisipin, magmula sa pinaka-unang kanta na ginawa ng Eheads hangang sa pinaka-huling kantang sinulat ng grupo, lahat sila ay kumakatawan sa mga karanasang lahat ng tao ay nararanasan at mararanasan sa mga susunod pang panahon. Ilang lalake nga ba sa buong Pilipinas ang naranasang ma-basted o mapaghintay ng parang
pang-habambuhay (Pare Ko), manligaw at mangakong magbibigay ng lahat ng maaaring ibigay sa isang tao (Ligaya), May kakilalang merong uncanny love story (Shirley), nagalit sa mundo (Easy Ka Lang), nagkamali ng intindi (Maling Akala), high sa buhay (Alapaap), May kakilalang homosexual na discriminated (Hey Jay), mga di nakasundong kaibigan (Minsan), dumaan sa pagkabata (Wishing Wells), Nalungkot sa buhay (With a Smile), Gusto ng substitutes (Superproxy/Pop Machine), Gustong matutong mag-drive (Overdrive), Torpe sa panliligaw (Torpedo), ayaw ng pagbabago (Walang Nagbago), nagkaroon ng “what could have been” na love story (Ang Huling El Bimbo), nagpasa ng cake (Fruitcake), na-miss ang Pilipinas (Balikbayan Box), hindi makapaniwala sa lahat ng sablay sa buhay (Hard To Believe), nagtanong tungkol sa buhay (Spoliarium), mga taong pinilit iahon pero ayaw sumama (Para Sa Masa), ginusto ang kaligtasan (Huwag Kang Matakot), nakakilala ng mga pekeng tao (Maskara) at nangailangan ng high sa buhay (Tikman)?
For me personally, every single song that they created wasn’t just songs that reminded me of something or what people say “Theme songs of a generation”… It simply means my life as a whole up until now. The songs that these four guys have created will forever be in my heart and mind as long as I live because they virtually gave meaning to every single experience that I had so far in my life, and probably in the next years to come, even when the band has long been gone.
Nakakatuwa rin isipin na ito na yata ang pinakamagandang birthday gift ko sa sarili ko… ang makita ang pinakapaborito kong banda sa una’t huling pagkakataon (although I’m wishing it’s not the last) sa buong buhay ko… Imagine, magmula pa noong 10 years old ako, nakikinig na ako ng mga kanta nila. Ngayon, ilang araw na lang 26 na ako pero nakikinig pa rin ako ng mga kanta nila, partida yung banda tumigil na noong 2002 pa. Hanggang ngayon pinatutugtog ko ang mga kanta nila na parang bago lang. Naalala ko tuloy noon, Eraserheads cassette tapes lang ang meron ako at yung cassette player namin overused araw-araw dahil ilang beses ko paiikutin yung tapes ko. Yun nga lang, ang pinaka-unang tape ko ng Eraserheads ay hindi Ultraelectromagnetic Pop kundi Circus, yung pangalawang album nila.
Ilang beses din akong nakipagtalo at muntik makipag-away nang lumabas ang issue ng backmask. Palibhasa may mga tao na makakita lang ng ibang taong mabilis ang pag-angat sa buhay, demonyo na agad ang nasa isip… Kung ganun din lang eh di lahat pala ng sikat sa mundo sumasamba demonyo? Eh di si Britney Spears, Madonna, Tom Cruise, Brad Pitt, mga Pope at kung sinu-sino pang sikat sa mundo, lalo na yung mabilis ang pag-angat, demonyo ang mga rebulto sa bahay? Hirap talaga ng inggit at walang pera, kung anu-ano naiisip!
Anyway, sayang lang at wala na nga rin si Kiko… He would have been happy to see these guys play and it would have been a great treat to all the fans to see him sing with the band for the “Superproxy” performance, si Ely tuloy ang nag-rap. The song was dedicated to him plus an impromptu “Kaleidoscope World” chorus for him before the band sang “Ang Huling El Bimbo”
Ilang beses din ako naluha dahil sa mga pangyayari. Una nung nagsimula silang tumugtog dahil sa loob-loob ko, ito ang kauna-unahan kong makikita ang banda na tumutugtog sa harap ko. Pangalawa nung kantahin ang “Maling Akala” kasi sa wakas hindi na Brownman Revival ang naririnig ko. Pangatlo nung sa isang part ng “Alkohol” kung saan lumapit si Lemon kay Kapitan Elyboy at natapat silang dalawa sa camera na nakatingin sa audience. Ikaapat nung kantahin ang “Torpedo”, biglang flashback sa utak ko yung first year high school life ko kung saan kinailangan kong kantahin yun dahil sa isang role play para sa klase at tinawag na Ely ng mga kaklase ko hanggang 2nd year high school. Ikalima nang kantahin ang “Pare Ko” dahil kinanta nila yung “Pare Ko”. Pang-anim nung bumalik ang apat para sa scripted encore at bago kantahin ang “Superproxy” nagsabi si Ely sa audience na isigaw ang pangalan ni Francis. At pang-pito nung bigla nilang kantahin ang “Kaleidoscope World” chorus para kay Kiko.
Iba talaga ang dating sa akin kapag itong apat na ‘to na ang gumalaw. Ibang klase ang high at tulad nga ng nabasa ko, sinabi doon “Eraserheads, the only band that matters”. Para sa akin, Eraserheads is the only band that can touch lives on a certain level that nobody can ever surpass or even duplicate. Ika nga ni Ely “And so it was without a fuss we kill the buzz, Surrounding this delusional, irrational thing we call massive entertainment, Time to return the favor kick out the jams with the freeman flavor. Take it from Survivor, the search is over. I’ve found the best forget the rest. Erase it, replace it but never duplicate it. ‘Coz institutions are boring there’s no substitute for the real thing”
THERE’S NO SUBSTITUTE FOR THE REAL!!!







